Sa tinagal tagal ko na sa pagiging aliping sagigilid abroad, hindi ko man lang naranasan ang sinasabing problema ng marami nating mga expat worker sa buong mundo. Hindi ko nga maisip na problema ito dahil hindi ko naman kasi naramdaman ang ma-homesick. Feeling ko kasi kaartehan lang yan ng marami sa atin kaya nila nararamdaman yun. Ako naman kasi masaya dito sa bukirin na sinasaka ko in a daily basis kaya deadma sa akin yan. As in super duper happiness ang mga experiences ko dito everyday. As in. di nga?
Joke lang.
Syempre bilang taong nagmamahal, marami tayong namimiss sa pilipinas, anjan sila mother, father, brother, sister, bunso, lolo, lola, si bantay, si yaya pati mga alaga nating tuta, pusa, ibon, isda sa aquarium, mga uod at kulisap sa hardin at kung sino sino pang mga letseng kapitbahay at kamag anak natin sa paligid ay parte minsan ng homesickness natin. Kaya tayong mga pinoy expat, gumagawa ng mga paraan para kahit paanu ay maibsan ang ating pangungulila sa pamilya.
Maikwento ko lang..May bago kaming kasama sa trabaho na iyak ng iyak tuwing gabi during sleeping time. Nabubulahaw na kami. Ayoko sanang kausapin kaya lang napuwersa na akong makipag heart to heart talk sa kanya. One day, tinanong ko kung anong problema. Sabi nya namimiss daw nya ang kanyang misis at bagong kasal lang daw sila. Nagulat ako, akalain mo yun kinasal pa sya sa lagay na yun. Kasi sa itsura nya, mukhang hindi siya magkakaasawa, mukha kasi siyang gasul...joke.. sa edad nyang bente dos may asawa na sya. Ang lupit. Nung pinakita nya yung picture nung misis nya, natuwa ako sa picture, kasi bata pa at maganda ang kanyang misis, Sa ganda ng babae for sure, hindi sila magtatagal, tutuhugin yun ng kumpare nya. Biniro ko nga sabi ko, naku pagdating mo nanganak na yan, sabi nya, hindi pa daw buntis, sabi ko naman hindi naman sayo, sa kumpare mo. Aba! nagalit ang loko. Bigla akong sinuntok sa panga. Nagulat ako kaya napaganti ako. Tinadyakan ko naman sa tagiliran at tinamaan sya sa bandang bewang, napangiwi sya. Tinadyakan ko uli sa bandang tiyan naman. Nasaktan ang loko kaya yun nagrambulan kami sa semento. Hanggang sa magkapasa pasa ang mga face naming dalawa.
Joke lang..
.. exaj lang minsan magkwento .
Minsan kasi ang homesick, nagtitrigger sa atin para makapag isip ng kung ano ano. Tulad ngaun kung ano ano naisusulat ko. Meron pa ngang iba jan malubha talaga nag papakamatay sa sobrang homesick, umiinom ng lason, kumakain ng naptalina, nagpapahabol sa mga malalaking aso sa daan, yung iba tumatalon sa building para lang makawala sa mga amo, Yung iba talagang nababaliw. Nakakaawa nga ang ibang pinoy expat eh. Siguro hindi lang nila kayang i-handle yung ideya na hiwalay sila sa pamilya nila ng ilang taon kaya ang last option na lang nila ay tapusin ang buhay nila. Sayang ang buhay noh. Nagpapaka-deds lang sila.
Sa sobrang pagmamahal ko sa mga kapwa ko expat, napilit ko ang sarili kong mangalap ng mga detalye kung ano ba ang paraan ng iba nating mga kasamahan para masulusyunan ang kanilang homesick. Makabuluhan ang paksang ito kaya basahin nyo:
1. Electronic Gadgets : sa panahon natin ngayon, kahit si Barok may smartphone na kaya hindi excuse na wala tayong cellphone para makipag tawagan at magtxt sa pamilya natin. Kahit normal na cellphone lang basta nakakatawag at nakakatext, ayos na yan.
2. Social Medias : facebook, twitter, IG at kung ano anong website na pedeng gamitin para makipag communicate sa pamilya. Kaya hindi ndi excuse na walang kang FB, si lolo at lola nga meron eh.
3. Skype, YM etc : mga chatting softwares. kung may gadget ka for sure, isang click mo lang downloaded na yan.
4. Make Friends : ito ang pinakamasaya sa lahat dahil nakakakilala ka ng mga magiging new friends mo, na maari mong maging BFF, BFFL, FBF at FUBU, joke lang ang huli.
At kung ano ano pa.
Eh ikaw paanu mo ba sinusulusyunan ang homesickness mo? Ako kasi minsan NAGSASARILI, mas nakakalasap kasi ako ng sobrang kaligayahan sa paraan ko ng PAGSASARILI. Loner kasi ako kaya mas masaya magisa. kapiling ko lang ang lappy ko, habang naglalaro ng games (wag mag isip ng bad lol haha) Kaya yung mahilig magsarili jan sa buhay, alam na.
Sige na nga hanggang sa muling huntahan mga ka-expat. ^,^