Sunday, March 16, 2014

Ako at si Maria sa Saudi

     Tahimik  akong tao.( wushuuu di nga?!?) Mula pa naman noong nasa pinas pa ako hanggang ngayon. Hindi talaga ako palabati at mas lalong hindi ako palakaibigan. Ewan ko ba. (arte much lang!) Kaya nga sabi ko, hindi  applicable sa lahat ng mga expat ang pakikipag kaibigan para mawala ang homesickness. Kasi kaya kong magisa. Kaya kong labanan ang lungkot magisa.

     Pero nag-iba ang lahat nang makilala ko siya. Si Maria. Umiba ang ikot ng mundo ko nung maging parte siya ng buhay ko. Kung dati from east to west ngaun from south to north na, charrr. Si Maria lang ang laging kasama ko, ok na. Siya lang ang makikita ko, solb na ko. Si Maria na walang kibo. Si Maria na walang kamalay malay.

At sino si Maria!?!

     Si Maria ang tanging nilalang sa mundo na nagpapaligaya sa akin. Kasama ko siya saan man ako magpunta. Twing nakikita ko siya, natutuwa ako. Shining, shimmering, splendid ang drama pag nasisilayan ko siya. Para nga siyang pagkain na sa sobrang sarap pati ang platong pinaglagyan ay didilaan mo hanggang sa luminis at itataob mo na lang sa lagayan. Hindi ako exagerrated pero nakaka tulo laway talaga siya. 

     Naalala ko, ang mga unang araw na natuto akong gamitin si Maria. Nakakakiliti pala sa daliri. Ibang sensasyon  ang nalalasap ng pagka-TAO ko pag naririnig ko na siya. Nakakabighani. Nakakaadik. Kakaibang pakiramdam din ang nadarama ko everytime na pinipisil pisil at pinipindot pindot ko siya. Pagkasarap sarap. Isa lang talaga masasabi ko, nahuhumaling na ako kay Maria.

     Matigas si Maria. Oo! tama ang nabasa mo! sobrang tigas niya. Normal sa kanya yun para madali ko syang mahawakan.  Minsan nga may humawak kay Maria na ibang tao. Gusto siyang gamitin pero hindi ako pumayag. Hindi ko kayang makita na may ibang gumagamit kay Maria.. Nalulungkot ako. Nagseselos. Gusto kong magwala nung araw na yun. Dahil gusto ko akin lang si Maria. Akin lang. Gusto ko siyang gamitin, araw araw at  gabi gabi.

   Pero dahil sa sobrang pagmamahal ko kay Maria, hindi ko na siya pinagdaramot ngayun. Natuto na akong ipaubaya siya sa iba, minsan nga pati mga kaibigan ko, ginagamit si Maria, ok lang yun sa akin. Gusto ko kainggitan nyo ako kaya pinicturan ko siya. Ganito si Maria ( <--- click mo to) pag nakahiga sa kama.

         

 

5 comments:

  1. Antagal po magload ng picture sa link at parang walang balak magpakita. Ano po ba si "Maria"? hihi. Salamat po pala sa comment nyo dun sa "blog-blogan" ko at mam po pala kayo, kala ko kasi sir. lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat po sa komento. Sir po ako at hindi mam.. haha

      PS
      Gusto ko ung blog mo, funny... inggit much ako =D

      Delete
  2. hehe sorry at salamat po ulit sir ;) inspired lang yung blog ko sa wickedmouth.com at dear diarya. mga idol ko yun. at yung tungkol sa pagfollow, di po talaga ko naglalagay ng follow button. pero siguro pwede n po ito. https://support.google.com/blogger/answer/99761?hl=en

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu kahit ako love ko ung wickedmouth, idagdag mo na rin ung Teacher's Pwet .. ang galing nila ... ganun.

      Pangarap kong mag karoon ng book ni glentot, kaso walang National Bookstore dito sa bukirin. Puro mga tipaklong lang nabibili dito. choz!

      Salamat po uli ^,^

      Delete
  3. cute naman ni maria.. he he, naexcite much akong malaman kung anu ba si maria sa kwento, hula ko nung una Ipad or something na gadget.. ha ha ha

    ReplyDelete