Saturday, March 15, 2014

Ang Walang Kwentang Wento ko (tagalog mode ulit)


    Hindi ko namalayan na mag iisang buwan na pala mula nang in-update ko ang invisible blog kong to. Ang laki ng epekto talaga ng pagiging busy sa trabaho dahil nalilimutan ko na magsulat. Minsan talaga ang trabaho nakakasagabal sa mga bagay na may kabuluhan LOL.. Kaya nga dapat na akong pumili sa dalawa kung ipagpapatuloy ko ba ang kalokohan kong to or magtatrabaho na lang. (Charrr lang.) Shempre pede ko naman tong pagsabayin, kundi wala akong ipapalamon sa mga mahal ko sa buhay (Charrr lang uli haha)

    Yun. Maalikabok na naman sa Saudi. Patapos na kasi ang winter season at papasok na ang tag init. Grabe, nagsimula na siya last week lang. Ramdam ko na ang pagdampi ng hininga ng haring araw sa aking pagmumukha kaya cguro mabilis nalulusaw ang  chinsansu na inaaplay sa mukha ko everyday haha. Kaasar. Kailangan kong idukduk ang mukha ko sa harap ng aircon para mapawi ang init na nadarama ng aking pagkalalaki este ng aking pagmumukha pala.

    Kahapon nga bumagyo ng sandamakmak na buhangin. Nahirapan akong makahinga dahil napuno ng dumi ang ilong ko at naging kulangot. Ang hirap ng ganitong sitwasyon. Gusto ko nga bilutin at ipitik sa mga taong masasalubong ko..naniniwala kasi akong share the blessing. joke... Kaya nga ang resulta nahirapan akong tanggalin lahat. Binunot ko sila isa isa. .. masakit. napakasakit kuya Eddie.. Dumadrama pa ako sa harap ng salamin habang binubunot ang bawat himaymay sa aking ilong. Akala ko nga pati buto sa ilong ko nahila ko na. Ngaun pumasok ako sa trabaho na namamaga ang ilong. Parang wetpaks lang na nadivirginize lang ang peg. lols.
 
   Yun nga, since ito ang unang blog ko matapos ang isang milyong taon na pamamahinga, para maiba naman, gusto ko ishare ang experience ko sa sakit na naranasan ko sa pagtanggal ng kulangot sa ilong ko.. joke.. shempre hindi. Gusto ko lang ipaalam at ibroadcast sa buong mundo at milyon milyon kong taga pagsubaybay (Kung meron man haha) kung ganu ako kasaya dahil naka anim na buwan na ako sa kumpanya. Yehey! Masarap lang kasi sa pakiramdam na hindi pa rin ako sinisipa pabalik ng pilipinas sa kabila ng katangahan ko minsan sa trabaho haha 
 
   Ngayun lang, narealized ko kung ganu nga kasarap magwork abroad. Masarap lang ma-appreciate ang mga bagay na meron tayo na wala ang iba. Dahil hindi lahat ng tao sa pinas ay nagkakaroon ng oportunidad para makapag trabaho abroad. Kaya nga dapat Thankful tayo sa Dios sa lahat ng opportunity na binibigay Niya sa atin (seryoso lang ang peg di bagay charrr) Kaya marapat lang ang pasasalamat at pagdarasal.

  Ngaun magtatang-halian na at kakain na kami, yehey. Wala akong maisip na iba-blog so tapusin ko na muna ang walang wenta kong wento kaya maasalama' hanggang sa muli mga ka-expat.


No comments:

Post a Comment