Sunday, April 6, 2014

Usapang Kalusugan Ayon sa Alipin


     Tinamad na naman ang Aliping Sagigilid kaya inabot nang million light years bago na naman nakapag sulat. Naubusan lang ng time (arti lang!). Tsaka ang hirap kaya mag saka sa disyerto. Pina-bungkal ba naman sa akin ang isang ektarya ng buhangin at tinaniman ko ng  buko ng niyog, kamusta naman dba .. Isa pa ang hirap  kaya magisip at paganahin ang utak sa panahon ngayon na hindi ko maintindihan dahil pabago bago ang weather dito.Mahirap magsaka ngayon dahil sa sobrang init ng klima. Pinapapahinga ko na lang ang katawang lupa ko after work. Iniisip ko na lang rin minsan na para lang akong nag eexercise. Konting kembot from left to right and right to left,  boom! sexiness na, may figure na ang aura.

     And speaking of exercise, bilang expat abroad, hindi lingid sa ating kaalaman kung gaanu kahalaga ang kalusugan para maging maayos ang ating trabaho araw araw. Para sa akin, dalawa lang naman ang dahilan kung bakit mabenta ang mga pinoy abroad eh, ang Kasanayan at ang Kalusugan. hindi naman tayo makakapag abroad kung wala tayong expertise sa larangan na pinasok natin at dapat healthy living tayo to gain a healthy body and soul. Ganun.

    Dalawang buwan na ang nakararaan ng mapagdesisyunan ko na kumembot kembot sa gym. Konting tumbling, konting running, konting gymnasts at pagbukaka, at ngayon unti unti ko nang nararating ang mga pangarap kong magkaroon ng pandesal sa dibdib.(bakery lang? chaarrr).. hindi pa naman pan desal, monay pa lang... lols at siyempre, hindi sapat ang sumirko sirko sa gym para pumayat at sumeksi, kailangan mo sabayan ng tamang paglamon este pagkain at paginum ng mga bagay bagay. Dapat rin na ilimita mo ang sarili mo sa pagkain na alam mong nagdulot sayo ng sobrang katabaan. nyemas! na katabaan.. ang salitang kasumpa sumpa sa pandinig ko. pramis. 

     Ngayon, gusto ko lang i-share ang mga routine ko daily. and I can say na malaking tulong to sa akin to lose weight. Remember, healthy tayo dapat para maging maayos ang remittances natin sa ating pamilya sa pinas. lols at higit pa dun para buo pa rin tayo paguwi natin sa mga mahal natin sa buhay.

   So yan, I listed all of those things na ginagawa ko at tine-take ko para ma-maintain ko ang figure na gusto ko ma-aattain mula pa nun. Gosshhh, kunting kembot na lang sexy na ako, sigurado. ganun.

1.  Take Tea at  least 3x a day - yan. dati deadma lang sa kin ang tsaa. Wala akong kamalay malay na maganda pala to sa kalusugan specifically ang green tea dahil ayon kay pareng Wiki:

 " It can help speed up the metabolic rate because its antioxidant effect helps the liver to function more efficiently.
A recent U.S. study of overweight men found that, with no other changes to their diet or exercise regimes, drinking green tea three times a day burned up 200 extra calories a day. The green tea drinkers also found that their energy levels were greatly increased. "

at ito pa :
       "Green tea may lower blood low-density lipoprotein and total cholesterol levels, though the studies were of short duration and it is unknown whether these effects result in fewer deaths; moreover, the evidence does not indicate that green tea reduces the risk of coronary artery disease. Several randomized controlled trials suggests green tea can reduce body fat by a small amount for a short time, though it is uncertain whether the reduction would be meaningful for most people."

Ang bongga talaga ng tsaa. Sa mga hindi pa nakaka experience mag tsaa. Yung picture sa taas ang sample ng green tea.  Paalala lang na ang tubig na nilub luban ng teabag ang dapat i-take at hindi ang dahon. ganun.


2. Zero rice (carbs) sa dinner : - yan ang ginagawa ko daily. pahirap siya sa umpisa dahil sanay na sanay akong lumafang ng mountainous volume of rice every meal. Pero I learned to limit myself to eat rice especially sa gabi. Okay lang na magtake ng rice in lunch time dahil ibuburn ko naman yun afterwards. Harmful sa body kasi na hindi ka mag tetake ng carbo foods. Kung walang taba na ibuburn sau anong sense ng pag eexercise dba.

3. Oatmeal is a good replacement for Rice sa dinner - yan na ang food ko sa dinner. Pero watchout ka
dahil mas safe kung hindi mo hahaluan ng sweetener like sugar and full fat milk. Most sugar are processed so some of its contents may be fattening as well. So I usually pour in honey. As in pure honey talaga. you know naman na ang pure honey juice is less fattening (arti arti much lang). Yun nga lang, kung nasa pinas ka, mamumulubi ka talaga dahil sa sobrang expensive ng mga honey dun. Sa pag kakaalam ko sa Quiapo meron, pero literal na may mga bee na lumulutang lutang with free langaw pa on top.

4. Replace Sugar with pure HONEY as sweetener - ang newly fave sweetener ko.  Honey. Lucky enough dahil may unlimited supply kami ng honey during breakfast courtesy of our company. Oh diba, sa sobrang dami, pede na akong maligo ng pulot araw araw lol. every week akong kumukuha ng one bottle of honey taz kinoconsume ko siya for 7days. Good sweetener for teas and for oatmeals. Alam nyo ba na ang honey ay hindi na-i-spoil or napapanis? Alam nyo kung bakit? hindi ko rin alam.. paki-google na lang.

5. Prutas, Prutas at Prutas pa rin -  since childhood, naturuan na tau na ang fruits are very substantial to us. In my case, I am replacing rice with fruits. Bananas and Apples are the best. Sa gabi ko nilalantakan yan so somehow it helps. Yun nga lang, sobrang iba ang pagdumi ko, mahirap umire at ilabas. Minsan lang ceasarian section ang peg ko sa cr.

6. at least 30mins a day in a GYM - actually this doesn't requires us na mag gym. Kasi kung wala kang gym pede naman sa palibot ng villa or bahay nyo mag jog ka lang. Kahit 30mins minimum lang pede na un. As long as na pinagpawisan ka. ganun. Kung minsan tinatamad ka, try to think ahead sa maaaring mangyari sayo in the future. Like, what if, when i get old maging kasing taba ko si Dabiana? or si eiwww, ayoko nga. So maiinspire ka na uli gumalaw galaw.

7. Avoid Vices/Bisyo like Cigar/Hard Drinks etc -  I remember, tumaba ako when I worked in some call centers sa pinas. It took few months bago ako tumaba, actually, super lean and sexy ako when I was in college, I knew I gained my fats nung nag start na ako mag work. You know why? I engaged my self in some "earthly activities" like morning drinking sessions with my colleagues, lafang dito lafang dun, pag day offs, we went out for party party at dun nagaganap ang mga makamundong bagay tulad ng... hard drinking with fatty pulutan, cigar cigar and never ending smokes, weeds, as in damo... damo sa hardin.. chaarr lang.. but Im not sure kung nakakataba ba mga yan, pero suspetsa ko, yan ang mga culprit kaya ako tumaba noon. gossshh.. hindi na ako magwowork sa ganung industriya.. devastating.. chaarr lang..

8. Prayers -  yan it works. Ang katabaan naman kasi parang karamdaman yan eh , kung hindi mo gagamutin walang sulusyun para gumaling ka, or kung nasa edge ka na talaga ng - kamatayan, ipagpepray over ka na for the benefit of your soul  lol .. i mean kung tamad ka at couch potato ka na lang daily, you'll suffer from and by it. So better pray harder. Malay mo isang umaga pag gising mo kasing seksi mo na si Christine Reyes or kasing macho mo na si Derek Ramsey dahil sa power of prayers dba... lol.. seriously, I pray for the better thoughts. For inspirations para hindi ako tamarin daily. oh diba, religious din ang peg ng alipin pag maraming time.

   Ganun. Sana mag succeed ako sa mga hangarin kong magkaroon ng voluptuous body . Ngapala, I used to weighed around 186 lbs nun pero ngayon around 150 lbs na lang, oh dba, almost kaya ko ng i-reap ang fruit ng aking hardwork. Ganun.

    O kayo mga ka-expat, anong habit ang  ginagawa mo para maging sexy ang figure mo?
                 
   
            


7 comments:

  1. dagdag mo na rin ang pag iwas sa stress....stress related daw kasi ang pagtubo ng taba sa tiyan...napanood ko lang sa national geographic heheheh

    ReplyDelete
  2. prayers talaga. yun talaga feeling ko ang pinakaepektibo. pramis!

    ReplyDelete
  3. Teatea mkapagtea nga araw araw

    Curious ako sa figure mo

    ReplyDelete
    Replies
    1. hala, one month ago pa yan, bumalik na ako sa katamaran at sa aking dambuhalang figure... choz!

      Kulapitot, kakatuwa blog mo ah, haydol na kita pramis ^,^

      Delete
  4. just noticed...monthsary na pala ng post mo na ito. lang lang :) smile!

    ReplyDelete
    Replies
    1. LOL...

      TY sa tambay. never ko na-notice na 1month na pala.. hehe

      Msta na bud? Im quite busy kasi sa work for the past days. hope everything is well ^,^

      Delete
  5. very nice ng pagkakasulat mo. my sense of humor... hi hi!

    ReplyDelete