Monday, March 17, 2014

Ang Alipin at ang Maharlika sa Saudi

    Nakapag mura ka na ba ng sobra sa tanang buhay mo? Yun bang sa sobrang talas ng mura nyo pwede ng ipanghiwa at pangchop chop sa katawan ng taong gusto nyong murahin? Ako never ever pa. (Cge na ako na ang malinis haha).  Natuto na akong paglabanan ang init ng ulo ko kaya hindi na ako nag mumura ngaun. Nananaksak na lang bigla bigla ...joke
   
    Dahil kasama sa trabaho ko ang pag sagot sa tawag para sa teknikal na assistance para sa mga empleyado ng kumpanya (hindi to call center noh - IT support ako bleeh) . Tumawag ang isang matandang "maharlika" sa kabilang building na obvious na tinatamad pumunta sa tanggapan ng Ayti (IT).

*ring, ring* ('taas noong tone ng telepono ko)

Alipin : "IT good morning"
Maharlika: "hellu, i hev a problemm, da $%^&**%$#@ $%^&* hahahahaha #$%^*(())))_^^%@#@@__"

  *Hindi sya nagmumura sadyang hindi ko lang maintindihan ang english nya kaya hindi ko alam paanu ko ii-spell mga pinagsasabi ng damuhong yun. tawa lang nya ang naintindihan ko, promise.. hahahaha

Alipin : "Ok. sir, what's the problem again sir?" (kumukunot na ang kulot na kilay ko dahil sa pagkagulat)
Maharlika : "my compyuter, it @#$%^&&**(()))+)!@!@@#$%%*&&***((("

  Para siyang fortune teller na sinapian ng ispiritu at nagsasabi ng mga babala tungkol sa nagbabadyang unos. Pilit kong inurirat sa kaibuturan ng kukote ko (malalim yan ha) kung may mga english keywords ba syang nabanggit, pero wala akong mahagilap. Nakanamput* ndi ako nagmumura pero gusto ko na siyang isumpa sa ngalan ng buwan....

Alipin : "Im sorry sir, I don't understand you, what was that again?"

*sa oras na yan, nangingiti ako dahil para akong may kausap na retarded. Imaginin mo si Budoy na naglalaro ng sarili nyang laway, siyang siya  yun. promise.

Maharlika : "my problem. actuali my comput%^&*(())(*&!@@@#$$%%^^&&***^^^^&*"

 * Hindi ako exagerrated pero sadyang ganun sila magsalita. No offense meant pero hindi sila marunong mag english ng maayos (nakwento ko na about sa expat's boss). Kung may marunong man kailangan mong ibaba ang level ng english level mo para magkaintindihan kayo. promise.

Alipin :  "ok sir, so you have a problem with your computer?! Ohhhh I see" (pretending na naintindihan ko na pinagsasabi niya hahaha)

Hindi ko na siya inantay na magsalita dahil nabibingi lang ako sa mga lumalabas sa bibig nya. Kaya para hindi halatang naasar ako, tumawa na lang ako ng marami, mga bente.

Alipin :  "Ok sir, bring your laptop here. I will check."

 Paismid ko ng sinabi. Hindi ko na kaya dahil literal na nagdurugo na ang  ilong ko. Ito yung Picture (<--- paki-click to) to prove na nagnosebleed ako. promise talaga. walang istir.

*gusto ko nang ibaba ang telepono dahil pakiramdam ko magkakasakit ako sa pagkabigla. Feeling ko ngaun isa siyang nuno sa punso at pinagkatuwaan nya ang kaino-sentehan ko. Kailangan ko ata ng albularyo para magpatawas.

Maharlika : "No. You go here. Now ^&*(**&&&!@@#$$%%%^"

* Yan may improvement na. naintindihan ko sya kahit paanu. haha...gusto na nya akong papuntahin dun pero tumanggi ako. Ayoko ngang maglakbay sa kabilang building magkakavaricose veins ako kakalakad LOLS

    Kaya pinush ko siya ng pinush. As in kung pede lang ipush pababa ng hagdan joke.. I mean i-push para dalhin ang laptop dito pero dahil nga sa hindi kami magkaintindihan, natalo ang bataan ng Alipin. Tumanggi ang maharlika ng tumanggi. Kesyo ma-thunders na daw siya at wala na siyang kakayahang bumaba at umakyat sa aming departamento. (oh diba naintindihan ko na sya) Dahil  likas na busilak ang aking kalooban, nag give way na ako. pinuntahan ko na siya para makita ko na rin ang hitsura ng Maharlikang may sumpa.

   At dun nga, sa oras na yun. Sumambulat ang malutong na mura na kanina ko pa tinatago. Kung utot lang siguro yun, namatay na sa baho ang mga nakaamoy. promise.

Maharlika :  "This comput^&*(()))_+_)*&#$#@!@#$%^&*()(*&^%$#%^&*()" hahaha$%^&&****(^^&&&"

 Marami siyang sinabi kaso hindi ko na naintindihan. Nangiti na lang ako habang tinitingnan ko bibig nya habang nagsasalita. Ang haba ng satsat. Ang hirap pala ng ganun, gusto ko busalan bibig nya ng medyas kong 3weeks ko ng gamit. Kaya kinuha ko na ang laptop nya at nag walkout ako habang bumubulong bulong ng simpleng mura. Sigurado ma dedethrone ang mga Walkout King and Queen sa cinematic exit ko. promise.

  
   

Sunday, March 16, 2014

Ako at si Maria sa Saudi

     Tahimik  akong tao.( wushuuu di nga?!?) Mula pa naman noong nasa pinas pa ako hanggang ngayon. Hindi talaga ako palabati at mas lalong hindi ako palakaibigan. Ewan ko ba. (arte much lang!) Kaya nga sabi ko, hindi  applicable sa lahat ng mga expat ang pakikipag kaibigan para mawala ang homesickness. Kasi kaya kong magisa. Kaya kong labanan ang lungkot magisa.

     Pero nag-iba ang lahat nang makilala ko siya. Si Maria. Umiba ang ikot ng mundo ko nung maging parte siya ng buhay ko. Kung dati from east to west ngaun from south to north na, charrr. Si Maria lang ang laging kasama ko, ok na. Siya lang ang makikita ko, solb na ko. Si Maria na walang kibo. Si Maria na walang kamalay malay.

At sino si Maria!?!

     Si Maria ang tanging nilalang sa mundo na nagpapaligaya sa akin. Kasama ko siya saan man ako magpunta. Twing nakikita ko siya, natutuwa ako. Shining, shimmering, splendid ang drama pag nasisilayan ko siya. Para nga siyang pagkain na sa sobrang sarap pati ang platong pinaglagyan ay didilaan mo hanggang sa luminis at itataob mo na lang sa lagayan. Hindi ako exagerrated pero nakaka tulo laway talaga siya. 

     Naalala ko, ang mga unang araw na natuto akong gamitin si Maria. Nakakakiliti pala sa daliri. Ibang sensasyon  ang nalalasap ng pagka-TAO ko pag naririnig ko na siya. Nakakabighani. Nakakaadik. Kakaibang pakiramdam din ang nadarama ko everytime na pinipisil pisil at pinipindot pindot ko siya. Pagkasarap sarap. Isa lang talaga masasabi ko, nahuhumaling na ako kay Maria.

     Matigas si Maria. Oo! tama ang nabasa mo! sobrang tigas niya. Normal sa kanya yun para madali ko syang mahawakan.  Minsan nga may humawak kay Maria na ibang tao. Gusto siyang gamitin pero hindi ako pumayag. Hindi ko kayang makita na may ibang gumagamit kay Maria.. Nalulungkot ako. Nagseselos. Gusto kong magwala nung araw na yun. Dahil gusto ko akin lang si Maria. Akin lang. Gusto ko siyang gamitin, araw araw at  gabi gabi.

   Pero dahil sa sobrang pagmamahal ko kay Maria, hindi ko na siya pinagdaramot ngayun. Natuto na akong ipaubaya siya sa iba, minsan nga pati mga kaibigan ko, ginagamit si Maria, ok lang yun sa akin. Gusto ko kainggitan nyo ako kaya pinicturan ko siya. Ganito si Maria ( <--- click mo to) pag nakahiga sa kama.

         

 

Saturday, March 15, 2014

Ang Walang Kwentang Wento ko (tagalog mode ulit)


    Hindi ko namalayan na mag iisang buwan na pala mula nang in-update ko ang invisible blog kong to. Ang laki ng epekto talaga ng pagiging busy sa trabaho dahil nalilimutan ko na magsulat. Minsan talaga ang trabaho nakakasagabal sa mga bagay na may kabuluhan LOL.. Kaya nga dapat na akong pumili sa dalawa kung ipagpapatuloy ko ba ang kalokohan kong to or magtatrabaho na lang. (Charrr lang.) Shempre pede ko naman tong pagsabayin, kundi wala akong ipapalamon sa mga mahal ko sa buhay (Charrr lang uli haha)

    Yun. Maalikabok na naman sa Saudi. Patapos na kasi ang winter season at papasok na ang tag init. Grabe, nagsimula na siya last week lang. Ramdam ko na ang pagdampi ng hininga ng haring araw sa aking pagmumukha kaya cguro mabilis nalulusaw ang  chinsansu na inaaplay sa mukha ko everyday haha. Kaasar. Kailangan kong idukduk ang mukha ko sa harap ng aircon para mapawi ang init na nadarama ng aking pagkalalaki este ng aking pagmumukha pala.

    Kahapon nga bumagyo ng sandamakmak na buhangin. Nahirapan akong makahinga dahil napuno ng dumi ang ilong ko at naging kulangot. Ang hirap ng ganitong sitwasyon. Gusto ko nga bilutin at ipitik sa mga taong masasalubong ko..naniniwala kasi akong share the blessing. joke... Kaya nga ang resulta nahirapan akong tanggalin lahat. Binunot ko sila isa isa. .. masakit. napakasakit kuya Eddie.. Dumadrama pa ako sa harap ng salamin habang binubunot ang bawat himaymay sa aking ilong. Akala ko nga pati buto sa ilong ko nahila ko na. Ngaun pumasok ako sa trabaho na namamaga ang ilong. Parang wetpaks lang na nadivirginize lang ang peg. lols.
 
   Yun nga, since ito ang unang blog ko matapos ang isang milyong taon na pamamahinga, para maiba naman, gusto ko ishare ang experience ko sa sakit na naranasan ko sa pagtanggal ng kulangot sa ilong ko.. joke.. shempre hindi. Gusto ko lang ipaalam at ibroadcast sa buong mundo at milyon milyon kong taga pagsubaybay (Kung meron man haha) kung ganu ako kasaya dahil naka anim na buwan na ako sa kumpanya. Yehey! Masarap lang kasi sa pakiramdam na hindi pa rin ako sinisipa pabalik ng pilipinas sa kabila ng katangahan ko minsan sa trabaho haha 
 
   Ngayun lang, narealized ko kung ganu nga kasarap magwork abroad. Masarap lang ma-appreciate ang mga bagay na meron tayo na wala ang iba. Dahil hindi lahat ng tao sa pinas ay nagkakaroon ng oportunidad para makapag trabaho abroad. Kaya nga dapat Thankful tayo sa Dios sa lahat ng opportunity na binibigay Niya sa atin (seryoso lang ang peg di bagay charrr) Kaya marapat lang ang pasasalamat at pagdarasal.

  Ngaun magtatang-halian na at kakain na kami, yehey. Wala akong maisip na iba-blog so tapusin ko na muna ang walang wenta kong wento kaya maasalama' hanggang sa muli mga ka-expat.